![]()
PAG-UUSAPAN at dedesisyunan ng Senado ang hiling na payagang dumalo sa impeachment trial ang mga nakakulong na sina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada.
Sinabi ni Senador Erwin Tulfo na pag-uusapan nila sa kanilang caucus ang isyu, subalit kailangan magkaroon ng consensus para sa magiging desisyon.
Gayunman, para kay Tulfo, dapat sa Sandiganbayan at hindi sa Senado mag-request ang dalawang senador dahil sila ay nasa ilalim ng kustodiya ng anti-graft court.
Iginiit niyang kung siya ang masusunod, nais din niyang makadalo sa pagdinig ang dalawang senador dahil halal sila ng taumbayan, ngunit dapat ay may pahintulot ng Sandiganbayan na hindi naman nila maaaring diktahan.
