dzme1530.ph

Mahigit 80 pasahero ng sumadsad na barko, sinagip ng PCG

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 85 pasahero ng MV Filipinas Cebu na sumadsad sa Maigo Point, Lanao del Norte, bandang alas-6:00 ng hapon, ika-20 ng Abril 2023.

Sa 85 pasahero, lima rito ang sanggol na kaagad namang nirespondehan ng Coast Guard SAR team kasama ang Marine Environmental Protection Unit (MEPU) para magsagawa ng oil spill assessment.

Tiniyak ng PCG ang kaligtasan ng 85 pasahero na maiingat na isinasakay sa tugboat Foscon Diamond na ginamit sa naturang rescue operation.

Ang MV Filipinas Cebu ng Cokaliong Shipping Lines, ay isang uri ng RoRo o pampasaherong barko na bumiyahe mula Lanao del Norte papuntang Ozamiz City, Misamis Occidental.

Base naman sa oil spill assessment ng MEPU, negative ito sa presensya ng “oil sheen.”

Sa kabila nito, naglagay pa rin ng “oil spill booms” ang PCG para masigurong hindi makapagdudulot ng masamang epekto sa katubigan ang naturang insidente. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author