dzme1530.ph

6 na sundalo patay, 30 nawawala sa pagsalakay ng mga rebelde sa Indonesia

Hindi bababa sa anim na Indonesian troops ang patay at 30 ang nawawala matapos salakayin ng mga rebeldeng armadong lalaki ang isang unit na nagsasagawa ng search & rescue operation sa isang piloto mula sa New Zealand na umano’y dinukot sa lalawigan ng Papua, Indonesia.

Ayon sa mga militar ng Indonesia, binaril ng mga rebelde ang isang sundalo na nahulog sa bangin na may lalim na 15 meters.

Habang nire-recover ng unit ang bangkay, naglunsad ng pangalawang pag-atake ang mga rebelde na naging sanhi ng pagkamatay ng marami sa kanilang mga kasamahan.

Matatandaang Pebrero ng ma-hostage si Phillip Mehrtens, piloto ng susi air, nang lusubin ng mga rebelde ang kanyang single-engine na eroplano sa lalawigan ng Nduga. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author