![]()
Mayroong nagaganap na “friendly negotiations” tungkol sa digmaan sa Iran.
Pahayag ito ni US President Donald Trump, matapos ang tatlong sunod na araw na hindi nagpalitan ng mga pag-atake ang magkabilang panig.
Umaasa ang US President na matatapos na ang giyera, sa pagsasabing sa tingin niya ay mayroong magandang mangyayari.
Gayunman, nagbabala si Trump na hindi magdadalawang-isip ang Washington na bumalik sa dating gawain kapag nabigong muli ang pinakabagong negosasyon.
Itinanggi naman ng Tehran na mayroong nagaganap na anumang direktang negosasyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
