dzme1530.ph

Gobyerno, pinaaaksyon vs wholesale recruitment ng mga Pinoy healthworkers pa-ibang bansa

Pinakikilos ni Senator Pia Cayetano ang gobyerno laban sa sinasabing wholesale recruitment ng mga Filipino healthworkers sa ibang bansa.

Ito ay kasunod ng impormasyon na ilang foreign recruiters ang direkta nang nagtutungo sa mga ospital at mga paaralan at kadalasang nirerecruit ng isang medical team.

Terible anya ang ganitong mga hakbangin na maituturing na ‘modern-day colonization.’

Nilinaw naman ng senador na nirerespeto niya ang karapatan ng bawat Pilipino, nurse man, abogado o iba pang propesyon na pumili ng kanilang papasukan para sa kanilang kinabukasan.

Subalit, hindi anya dapat kunsintihin ang pagpasok ng mga foreign recruiters at magsagawa ng wholesale recruitment kaya’t mapaparalisa ang sektor ng healthcare system.

Bagama’t iginagalang niya ang karapatang magtrabaho sa ibayong dagat ng mga Pinoy healthworkers, mahalaga ring bumalangkas ng mga hakbangin ang gobyerno upang malunasan ang pagkaubos ng mga healthcare professionals sa Pilipinas. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author