![]()
Kinumpirma ni Bulacan 5th District Rep. Agatha Paula Cruz na walang “red carpet” o long gown sa ika-limang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Cruz, mahigpit ang tagubilin ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na sumunod sa kautusan para sa simple attire o Filipiniana attire.
Bagama’t simple, magiging “dignified” ang okasyon.
Nais umano nilang mag-focus sa nilalaman ng talumpati o ulat sa bayan ni Pangulong Marcos at sa legislative direction nito.
Binanggit ni Cruz ang lumabas sa survey kung saan ang korapsyon o paglaban sa katiwalian ang isa sa mga nais tugunan ng taumbayan.
Bilang pagtalima sa kagustuhan ng taumbayan, nais ni Cruz na i-translate ang trabaho ng Kongreso at Ehekutibo sa paglaban sa katiwalian.
Ipinagmalaki rin ng mambabatas ang produktibong performance ng Kamara sa larangan ng pagpasa sa LEDAC priorities ng Palasyo at Common Legislative Agenda ng Kongreso.
