dzme1530.ph

20,000 NA PULIS, IPAKAKALAT NGAYONG IKA-LIMANG SONA NI PANGULONG MARCOS

Loading

Nag-deploy ang PNP ng 20,000 personnel sa Quezon City para sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, kabilang na sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, kung saan inaasahang magtitipon ang mga magpo-protesta.
 
Nag-set up ang PNP ng mga tent na nagsisilbing command posts ngayong SONA.
 
Alas singko pa lamang ng hapon noong Biyernes ay naka-full alert na ang PNP.
 
Apat na grupo ang nakapag-secure ng permits mula sa Quezon City Government para makapagdaos ng rally sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
 
Bilang bahagi ng paghahanda, ipinatupad sa Quezon City ang liquor ban simula kaninang 12:01 a.m. hanggang mamayang 6:00 p.m.
 
Mahigpit din ang ipinatutupad na seguridad sa Batasang Pambansa Complex, kung saan ihahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang ulat sa bayan mamayang alas kuwatro ng hapon.

About The Author