![]()
Bumilis ang pagkilos ng Bagyong Kiyapo habang tumatahak sa bahagi ng Northern Luzon.
Sa advisory ng PAGASA, alas-11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 830 kilometro silangan ng Northern Luzon.
Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 55 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province, silangan at gitnang bahagi ng Ifugao, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Ilocos Sur, hilagang bahagi ng Aurora, hilagang bahagi ng Quirino, at pinakahilagang bahagi ng Nueva Vizcaya.
Kung hindi magbabago ng direksiyon, posibleng lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Kiyapo sa Sabado ng umaga.
