![]()
Ayon sa prosecution team, bigo ang defense panel ni Vice President Sara Duterte na kontrahin ang mga argumento nito kaugnay sa umano’y pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Prosecution Team Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na, batay sa naging takbo ng pagdinig sa Article IV, malinaw umano ang paglabag na iniuugnay ng prosekusyon sa Bise Presidente.
Samantala, sinabi rin ni Adiong na sa pagtalakay sa Article I ng impeachment case, na may kaugnayan sa paggamit ng confidential funds, inaasahan nilang mailalabas ang katotohanan sa likod ng mga sinasabing tumanggap ng pondo, kabilang ang pangalang Mary Grace Piattos.
