![]()
Ikinasal na si MrBeast, na ang tunay na pangalan ay Jimmy Donaldson, sa longtime partner niyang si Thea Booysen.
Sa Instagram, ibinahagi ng bagong kasal ang ilang larawan at mga kaganapan sa kanilang beach wedding.
Sa caption, sinabi ng groom na, “I found Mrs. Beast. And it was the best day of my life.”
Si MrBeast ang kauna-unahang YouTube content creator na umabot sa 500 million subscribers.
Bukod sa pagiging content creator, nag-venture din si MrBeast sa food business. Noong 2023, dinala niya ang kanyang burger brand sa bansa sa pamamagitan ng partnership sa Just Kitchen Philippines.
