dzme1530.ph

PROSECUTION TEAM, PINAALALAHAN NI SEN. PADILLA NA HINDI NILA TUNGKULING IPANALO ANG KASO KUNDI ILABAS ANG KATOTOHANAN

Loading

May bagong paalala si Senator-Judge Robin Padilla sa prosecution team sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, matapos niya itong naunang sabihan na hindi dapat maging one-sided.
 
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Padilla na pangunahing tungkulin ng prosecution team, partikular ni Lead Prosecutor Gerville Luistro, ang ilabas ang katotohanan at hindi ang ipanalo ang kaso.
 
Iginiit ni Padilla na iisa lamang ang dapat na layunin ng prosecution at defense teams, at ito ay ang maitaguyod ang katarungan na neutral, bulag sa political alliances, at bingi sa bulong ng kapangyarihan.
 
Ipinaliwanag ng senador na sa sandaling magkaroon ng kinikilingan sa pagsusulong ng hustisya, hindi na ito maituturing na makatarungan at sa halip ay magiging instrumento na lamang ng oppression o panggigipit.
 
Ginawa ni Padilla ang pahayag kasunod ng naging komento ni Luistro na magugulat siya kung magiging neutral ang prosekusyon at lalo siyang malilito kung sila mismo ang magtatanggol sa respondent.

About The Author