![]()
Handa si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) kung ipatatawag sa pagsisiyasat kaugnay sa sinasabing anomalya sa 2019 Southeast Asian Games.
Nilinaw naman ni Dizon na hindi siya nababahala sa anumang imbestigasyon dahil nauna na siyang naabsuwelto sa posibleng mga kaso ng graft at malversation.
Si Dizon ang namahala sa development ng pasilidad sa New Clark City Sports Complex na ginamit sa SEA Games.
Inaasahan naman niyang tututok ang imbestigasyon ng NBI sa umano’y unliquidated funds na may kaugnayan sa SEA Games, partikular ang mga hinawakan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na pinamunuan noon ni Senador Alan Peter Cayetano.
Una nang sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na posibleng ipatawag si Dizon upang magbigay-linaw sa ilang bahagi ng pagsisiyasat.
