![]()
Muling mararamdaman ang malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Ayon sa Department of Energy, posibleng umabot sa 10.68 piso ang dagdag-presyo sa bawat litro ng diesel, habang 3.65 piso naman sa kada litro ng gasolina.
Nasa 11.77 piso naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene.
Nanawagan naman ang DOE sa mga oil companies na ikonsidera ang posibilidad ng pagpapatupad ng utay-utay na dagdag-presyo.
