Inanunsyo ni Land Transportation Office (LTO) chief Jay Art Tugade na paubos na ang plastic cards para sa driver’s license kaya naman sa papel na lang muna ipi-print ang mga permit kapag naubos na ang supply.
Sinabi ni Tugade na plano nilang i-print ang temporary driver’s license sa likod ng official receipts bilang solusyon sa problema.
Batay sa inventory sa LTO offices sa buong bansa, 147,000 license cards na lamang ang natitira at posibleng maubos ito sa huling linggo ng Abril.
Idinagdag ni Tugade na maaring picture-an ng driver’s license holders ang printout ng kanilang permit subalit tiyaking malinaw na mai-scan ang QR Code para sa verification.