![]()
Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na handa sila kung sakaling isailalim na sa kanilang kustodiya si Senador Rodante Marcoleta na nahaharap sa kasong plunder.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni BJMP Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera na palagi naman silang handa sa sinumang posibleng ikulong sa kulungan sa ilalim ng kanilang pangangalaga.
Sa ngayon, aniya, maluwag pa ang Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
