dzme1530.ph

ANIM KATAO PATAY, TATLONG IBA PA NAWAWALA, KASUNOD NG LANDSLIDE SA SARANGANI

Loading

Anim na katao ang nasawi habang tatlo pa ang nawawala matapos ang landslide na naganap kaninang umaga sa bayan ng Malapatan, Sarangani.
 
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Malapatan, natabunan ng pagguho ng lupa ang dalawang bahay na tinitirhan ng pamilyang Maladian at pamilyang Yaton sa Sitio Fundao, Barangay Poblacion.
 
Sinabi ng MDRRMO na sampung katao ang unang iniulat na nalibing sa landslide.
 
Sa kasalukuyan, anim na ang narekober at nakumpirmang nasawi, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations para sa tatlo pang nawawala.
 
Nakakaranas ang Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao ng masamang panahon dulot ng southwest monsoon o habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday.

About The Author