![]()
Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na walang dapat pagdebatehan pagdating sa soberanya ng Pilipinas sa lalawigan ng Batanes.
Iginiit ng DFA na malinaw ang mga batayan na ang Batanes ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Dahil dito, sinabi ng ahensya na wala itong balak na bigyang-pansin o i-entertain ang tinawag nitong revisionist claims tungkol sa naturang teritoryo.
Kasabay nito, nanawagan ang DFA sa mga Chinese scholars na ituon na lamang ang kanilang panahon at pag-aaral sa genuine at good-faith studies tungkol sa rehiyon.
