![]()
Hindi tamang gawing batayan ang umano’y geographic link ng Batanes sa Taiwan upang angkinin ng China ang lalawigan.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Prof. Renato De Castro, security at defense analyst, na ang pag-angkin sa isang teritoryo ay dapat ibatay sa kasaysayan at mga kinikilalang legal na batayan, at hindi lamang sa heograpikal na lokasyon.
Naniniwala si De Castro na layunin ng China sa pagpapalutang ng naturang pag-aangkin sa Batanes na palakasin ang posisyon nito kaugnay ng target nitong pagsakop sa Taiwan sa mga susunod na taon.
Bukod pa rito, sinabi rin ng analyst na maaari ring may kaugnayan ito sa pagtutol ng China sa mga kasunduan ng Pilipinas at Japan na tumutugon sa mga isyu sa mga lugar na may magkalapit na heograpikal na lokasyon at may magkakapatong na interes sa likas na yaman.
