![]()
Kinansela ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III ang ikatlong status conference sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sana sa July 14.
Sa inilabas na pahayag ng ICC, ipinaliwanag na kinansela ang conference matapos ipabatid ng magkabilang panig na wala silang anumang usapin o isyung nais pang bigyan ng atensyon sa ngayon.
Ang susunod na status conference ay itinakda sa September 16, habang nakatakdang magsimula ang paglilitis sa November 30.
Matatandaang isinagawa ang unang status conference noong May 27, kung saan itinakda ng Trial Chamber ang pagsisimula ng paglilitis sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Duterte.
Samantala, sa ikalawang status conference noong June 23, binalaan ng Trial Chamber ang magkabilang panig laban sa paglalabas ng mga pahayag sa media na may kaugnayan sa kaso.
