dzme1530.ph

HILING NI SEN. JINGGOY ESTRADA NA DUMALO SA IMPEACHMENT TRIAL LABAN KAY VP SARA DUTERTE, IBINASURA NG SANDIGANBAYAN

Loading

IBINASURA ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na payagan siyang makadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
 
Sa pitong pahinang resolusyon, sinabi ng anti-graft court na walang sapat na merito ang mosyon ng senador.
 
Nakasaad sa resolusyon na bagama’t mahalagang mandato ng Konstitusyon ang impeachment process, hindi ito sapat na batayan upang pagbigyan ang hiling ni Estrada.
 
Ipinaliwanag ng Sandiganbayan na dahil maaaring umabot sa 31 linggo ang impeachment trial, hindi ito maituturing na emergency o compelling circumstance na magbibigay-katwiran sa pansamantalang paglabas ng senador mula sa detention.
 
Ayon pa sa korte, kung papayagan ang mosyon ni Estrada, magmumukha umano siyang isang malayang indibidwal na nagagamit ang lahat ng pribilehiyo ng kanyang posisyon sa kabila ng kanyang preventive detention.
 
Idinagdag ng Sandiganbayan na ang pagbibigay ng naturang kahilingan ay maaaring maging pangungutya sa layunin ng preventive detention.

About The Author