dzme1530.ph

SARAH DISCAYA, PINAYAGANG MAKAPAGPIYANSA NG KORTE SA KASONG GRAFT AT MALVERSATION OF PUBLIC FUNDS

Loading

Pinayagan ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court sa lalawigan ng Cebu na magpiyansa ng isang milyong piso ang contractor na si Sarah Discaya.
 
May kaugnayan ito sa kanyang kasong graft at malversation of public funds kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects sa Davao Occidental.
 
Sa resolution na inilabas ni Lapu-Lapu City RTC Branch 27 Presiding Judge Nelson Leyco, inihayag na hindi pa sapat ang mga ebidensya ng prosekusyon upang patunayan ang partisipasyon ni Discaya sa pakikipagsabwatan kaugnay sa anomalya.
 
Inaprubahan din ng korte ang 300 thousand pesos na piyansa sa kanyang co-accused na si Czar Ryan Ubungen, Acting Chief of Finance Section ng DPWH-Davao Occidental Engineering Office.
 
Hindi naman pinayagan ang pagpapapiyansa ng iba pang akusado kabilang na ang managing officer ni Discaya na si Ma. Roma Angeline Rimando.
 
Inakusahan ang mga ito na nagsabwatan para sa paglalabas ng 96.5 million pesos na pondo para sa konstruksyon ng revetment project sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental na hindi naman nagawa.

About The Author