dzme1530.ph

MGA KARAHASAN SA MGA PAARALAN, ITINUTURING NANG ISANG KRISIS

Loading

KRISIS nang itinuturing ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pagpapatuloy ng karahasan sa mga paaralan.
 
Ito ay kasunod ng ulat na isa pang Grade 9 student mula sa Julio Ledesma National High School sa San Carlos City, Negros Occidental ang sinaksak.
 
Sinabi ni Gatchalian na hindi pa tapos magluksa ang bansa sa trahedyang naganap sa Lungsod ng Tacloban, panibagong insidente ang naitala.
 
Iginiit ng senador na hindi dapat payagan na maging normal ang karahasan sa mga paaralan.
 
Nangako ang Senate leader na maghahain ng resolusyon upang masuri ang bigat ng suliranin at matukoy ang mga solusyon para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa mga paaralan.

About The Author