dzme1530.ph

MGA SUSPEK SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING, MAY PARTIKULAR NA TARGET, AYON SA PNP

Loading

May hinahanap na partikular na indibidwal ang dalawang menor de edad na suspek sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City bago sila walang habas na nagpaputok ng baril sa ibang mga estudyante.
 
Ayon kay Police Lt. Col. Analiza Armeza, Information Officer ng Eastern Visayas Police, napag-alaman ng mga imbestigador na matapos mabigo ang dalawang suspek na makita ang kanilang target sa San Jose National High School ay lumakad ang mga ito sa corridor saka pinagbabaril ang mga nadaanan nilang classrooms.
 
Sinabi ni Armeza na hindi pa tukoy ng mga awtoridad kung sino ang target ng mga suspek at kung may kaugnayan ito sa umano’y pambubully sa kanila.

About The Author