![]()
Kinumpirma ng content creators na sina Gavin Capinpin at Elma Asagra na hiwalay na sila, sa pamamagitan ng statements na ibinahagi nila sa social media.
Inanunsyo nina Sir Geybin at Mam Elma na tinapos na nila ang kanilang pitong taong pagsasama.
Nangyari ito halos tatlong linggo matapos maging subject ng cheating allegations si Sir Geybin, na umani ng mga espekulasyon hinggil sa kanilang relasyon.
Sa magkahiwalay na Facebook posts, kapwa ipinaliwanag ng content creators na mahirap ang ginawa nilang desisyon.
Pinasalamatan din nila ang isa’t isa, kasabay ng paglilinaw na ang kanilang breakup ay hindi dulot ng third party, taliwas sa mga tsismis na kumakalat online sa mga nakalipas na linggo.
Inamin ni Mam Elma na sa kabila ng kasiyahan na nakikita sa kanila ni Sir Geybin sa harap ng camera ay maraming pagsubok na pinagdaanan ang kanilang relasyon.
