dzme1530.ph

VIDEO GAME NA GOREBOX, PINATAWAN NG TEMPORARY BAN KASUNOD NG TACLOBAN SCHOOL SHOOTING

Loading

Ipinag-utos ng Cybercrime Investigation and Coordinating Agency (CICC) ang temporary ban sa sandbox video game na GoreBox.
 
Ginawa ng CICC ang kautusan matapos ihayag ng PNP na lulong sa naturang online game ang katorse anyos na isa sa mga suspek sa malagim na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng dalawampung iba pa.
 
Sinabi ni CICC Undersecretary Aboy Paraiso na hindi nila maaaring balewalain ang posibilidad na nakaimpluwensya ang online game sa naturang trahedya.
 
Inihayag naman ng Threat Monitoring Center ng ahensya na nakikipag-ugnayan sila sa Council for the Welfare of Children (CWC) upang mas ma-monitor nang mabuti ang online platforms.

About The Author