dzme1530.ph

1969 MISS UNIVERSE GLORIA DIAZ, KINILALA SA KAUNA-UNAHANG BINIBINING PILIPINAS GALA

Loading

Makalipas ang mahigit anim na dekada, idinaos ang kauna-unahang Binibining Pilipinas Gala.
 
Inilunsad sa naturang event ang bagong plataporma upang kilalanin ang mga exemplary alumnae ng prestihiyosong pageant.
 
At ang kauna-unahang inductee ay walang iba kundi si Gloria Diaz, na tinaguriang “OG” o Original Queen.
 
Siya rin ang kauna-unahang Pilipinang nag-uwi ng korona ng Miss Universe 1969 at unang tumanggap ng Binibining Pilipinas “Sisterhood Hall of Fame” Award.
 
Ipinagkaloob ang pagkilala sa gala na ginanap sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City kagabi.
 
Sa kanyang acceptance speech, ibinahagi ni Gloria kung paano nabago ang kanyang buhay sa maraming positibong paraan matapos manalo sa Miss Universe pageant.
 
Gayunman, sinabi ng OG Queen na sinikap din niyang huwag masyadong magpadala sa emosyon upang hindi ma-pressure sa matataas na inaasahan ng ibang tao.

About The Author