dzme1530.ph

IMBESTIGASYON SA SHOOTING INCIDENT SA TACLOBAN SCHOOL, IKINASA NG SENADO

Loading

Ikinasa ng Senado sa Hulyo 1 ang imbestigasyon sa shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City.
 
Ang pagsisiyasat ay pangungunahan ni Senadora Risa Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, na tututok sa lumalaking banta ng online radicalization sa mga kabataan.
 
Ayon kay Hontiveros, muling bubuksan ang pagdinig kaugnay sa papel ng mga online platform sa pagba-brainwash at pagra-radicalize sa mga kabataan na maaaring mauwi sa karahasan.
 
Tinukoy ng senadora ang naunang imbestigasyon noong Abril 14 kung saan nabunyag na ang mga online platform at gaming spaces ay nagagamit sa pag-groom, pagmanipula, at pagra-radicalize ng kaisipan ng mga kabataan tungo sa karahasan.
 
Susuriin din ng mambabatas kung sapat ba ang mga hakbang na ginagawa ng mga online platform upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa pang-aabuso at mapanganib na impluwensiya.
 
Iginiit ni Hontiveros na kung ginagamit ang internet upang mabiktima ang mga bata, dapat may managot at hindi lamang puro kita ang inuuna ng malalaking technology companies.

About The Author