![]()
Plinano ng mahigit isang buwan ng dalawang suspek na menor de edad ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong mag-aaral at ikinasugat ng 20 iba pa.
Sinabi ni Eastern Visayas Police Chief Brig. Gen. Jason Capoy na batay sa nakalap nilang impormasyon, Abril o Mayo pa pinagplanuhan ng dalawang suspek ang pag-atake sa eskwelahan.
Ikinabahala rin ni Capoy ang mga ulat na kumakalat sa social media kung saan pinag-usapan ng dalawang teenagers kung paano dadalhin ang mga baril sa paaralan.
Batid din aniya ng mga ito ang mga probisyon ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act, na ibig sabihin ay inaral ng mga ito ang batas.
Ayon sa mga imbestigador, karamihan ng mga bala ay galing sa Glock 9mm service firearm na pag-aari ng pulis na tiyahin ng isa sa mga suspek.
