dzme1530.ph

TIP KAY CONG. TOBY TIANGCO, NAKATULONG SA CIDG PARA MAHULI ANG 10 KATAO NA NAGBEBENTA NG DIESEL NA MAY HALONG TUBIG

Loading

Sa tulong ng tip ng isang residente kay Navotas Rep. Toby Tiangco, naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 10 katao na sangkot sa “paihi” o pagbebenta ng diesel na may halong tubig sa pabahay sa Barangay Tanza.
 
Nakumpiska sa naturang operasyon ang tanker na may lamang 28,000 liters ng diesel na aabot sa ₱2.5 million.
 
Sa kabuuan ay nasa ₱12 million ang halaga ng nakumpiskang petrolyo, kasama ang dalawang bangka at tanker.
 
Ang iligal na diesel ay ibinebenta sa mga gasolinahan at sa maliliit na parokyano sa halagang ₱150 kada balde.
 
Ang nakababahala pa, ayon kay Tiangco, bukod sa nakaka-pollute ay mayroong impormasyon na may protektor sa iligal na operasyon.
 
Sinabi ni Tiangco na kailangang malaman ang lahat ng sangkot sa naturang iligal na aktibidad at mapanagot sa batas.

About The Author