dzme1530.ph

SUSTAINABLE ENERGY RESEARCH, SINUPORTAHAN NI GOV. EBDANE; HYDROGEN EXPLORATION SA ZAMBALES NATULKASAN AT KINILALA

Loading

ZAMBALES – Muling pinatunayan ni Zambales Governor Hermogenes “Jun” Ebdane Jr. ang kanyang suporta sa isinagawang sustainable energy research sa pamamagitan ng kanyang paglahok sa Hydrogen SEEP (Sustainable Energy Exploration Program) Stakeholders Forum na ginanap noong Hunyo 22 sa Lungsod Quezon.

Sa nasabing forum, ito ay pinangunahan ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), sa pamumuno ni OIC Dr. Vallerie Ann I. Samson, na tumalakay sa mga hakbang at polisiya para sa natural hydrogen exploration sa Zambales, partikular sa mga bayan ng San Antonio at Botolan, gayundin sa Mangatarem, Pangasinan.

Batay sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST) sa pangunguna naman ni Dr. Karmina A. Aquino, Project Leader ng Hydrogen SEEP ng DOST, ang Nagsasa Cove sa San Antonio ay naglalabas ng 808 tonelada ng geologic hydrogen taun-taon — isa sa pinakamataas na antas sa buong mundo.

Ang natatanging katangiang ito ay naglalagay sa Zambales sa unahan ng usaping sustainable energy sa bansa.

Nanawagan naman si Ebdane na magtatag ng kursong geology sa President Ramon Magsaysay State University (PRMSU) upang makalikha ng mga lokal na eksperto na magiging katuwang sa pagpapaunlad ng proyekto.

“Mahalaga na tayo mismo ay may kakayahang umunawa at magmaneho ng mga proyektong tulad nito. Sa pamamagitan ng edukasyon, masisiguro natin na ang ating mga kababayan ang makikinabang sa mga oportunidad na dulot ng sustainable energy,” ani Ebdane.

Iginiit ng gobernador ang bukas na pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor para sa responsable at sustainable na pagpapatupad ng proyekto.

“Bukas ang ating pakikipagtulungan sa lahat ng ahensya at pribadong sektor upang matiyak na ang proyektong ito ay isasagawa nang may responsibilidad at paggalang sa kalikasan at komunidad,” dagdag pa niya.

Samantala, Patuloy naman ang mas malalim na pananaliksik at pagsusuri ng Department of Science and Technology (DOST) sa pangunguna ni Secretary Dr. Renato U. Solidum Jr., para maisaalang-alang ang environmental impact at benepisyo sa mga lokal na komunidad bago ang anumang implementasyon.

Ang naturang forum ay dinaluhan ng iba’t ibang stakeholders mula sa gobyerno, at pribadong sektor na naglalayong palakasin ang patakaran at regulasyon sa larangan ng hydrogen exploration at iba pang sustainable energy sources sa bansa.

Kasama rin sa mga dumalo sina San Antonio Zambales Mayor Arvin “Dok” Antipolo, Botolan Zambales Mayor Omar Ebdane, iba pang representative sa bayan ng

Kasama rin nakiisa sina Engr. Domingo Mariano, Zambales Provincial Consultant for Infrastracture and Development at representative ng Provincial Engineering Office (PEO) , Emmanuel G. Adaoag ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) at Larraine Rico, Executive Assistant to the Governor.

About The Author