![]()
Naging mabilis ang paglakas ng Typhoon Francisco habang tumatahak pa-kanluran hilagang-kanluran.
Sa advisory ng PAGASA as of 11 a.m. kanina, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 620 kilometers silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometer per hour.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 155 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 190 kilometer per hour.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, northeastern portion ng Cagayan na kinabibilangan ng mga bayan ng Gonzaga at Santa Ana, kasama rin ang eastern portion ng Babuyan Island.
Kung hindi magbabago ng direksyon, inaasahan ang lokasyon ng bagyo na 495 kilometers east ng Aparri, Cagayan, mamayang alas-otso ng gabi.