![]()
Inaasahang matatapos ngayong Lunes o bukas ang pre-trial conference para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito, ayon kay House prosecutor Chel Diokno ng Akbayan Party-list, kasabay ng paliwanag na hindi lang naman prosekusyon ang magmamarka ng ebidensya, kundi pati na rin ang depensa.
Noong Huwebes, June 18, ay sinimulan ang pre-trial sa kaso ni VP Sara, bilang paunang pagharap ng dalawang lupon bago pormal na mag-convene ang senator-judges bilang impeachment court sa July 6.
Tiniyak ni Diokno sa publiko na hindi makaaapekto ang marking of evidence sa impeachment trial ni Duterte na itinakda sa July 6.
Si VP Sara ay nahaharap sa impeachment charges bunsod ng mga alegasyon ng culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang high crimes.