![]()
Pinalagan ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang akusasyon ni Batangas 2nd District Rep. Leandro Leviste na may “zero budget” ang ilang mahahalagang programa sa panukalang pambansang badyet.
Iginiit ni Marcos na hindi totoo ang naturang alegasyon at nilinaw na may nakalaang pondo para sa mga programang tinukoy ni Leviste.
Ayon kay Marcos, mahalagang suriing mabuti ang buong nilalaman ng panukalang budget bago magbigay ng mga pahayag na maaaring magdulot ng kalituhan sa publiko.
Binigyang-diin din niya na ang proseso ng pagbalangkas ng badyet ay dumaraan sa masusing pag-aaral at konsultasyon upang matiyak na matutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng bansa.
Nanawagan naman si Marcos sa kanyang mga kapwa mambabatas na magtulungan upang maisulong ang isang budget na makatutugon sa kapakanan ng mga Pilipino.
