dzme1530.ph

SB19, MAGSASAGAWA NG THANKSGIVING FAN MEET SA US AT JAPAN

Loading

Bilang bahagi ng kanilang international activities, magsasagawa ang SB19 ng thanksgiving fan meet na tinawag na “I Was There” sa US at Japan.
 
Inanunsyo ng five-member group na kinabibilangan nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin ang special event sa pamamagitan ng Facebook post.
 
Ang first stop ng “I Was There Thanksgiving Fanmeet” ay gaganapin sa Sacramento sa Aug. 8 at susundan ito ng isa pang pagtitipon sa Yokohama sa Aug. 18.
 
Bago ang fan meet, nakatakdang gumawa ng kasaysayan ang SB19 bilang first Filipino act na magpe-perform sa Lollapalooza sa July 30, na susundan ng appearance sa Summer Sonic sa Japan sa Aug. 15.

About The Author