dzme1530.ph

OVP, NAMAHAGI NG HOT MEALS SA MGA FRONTLINER KASUNOD NG MALAKAS NA LINDOL SA MINDANAO

Loading

Nagdeploy ang Office of the Vice President (OVP) ng food truck sa General Santos City para suportahan ang frontliners na tumutulong sa search, rescue, and retrieval operations kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
 
Inihayag ng OVP na sa pamamagitan ng kanilang Disaster Operations Center at ng Southern Mindanao Satellite Office, nagbigay sila ng hot meals para sa mga indibidwal na tumutulong sa disaster response.
 
Ayon sa ahensya, kasalukuyang nakahimpil ang Kalusugan Food Truck, malapit sa nag-collapse na supermarket building sa Barangay Calumpang.
 
Tiniyak din ng OVP ang kanilang kahandaan na tumulong sa ongoing humanitarian assistance, relief, and recovery efforts sa mga komunidad na naapektuhan ng malakas na pagyanig.

About The Author