![]()
BINUHAY ni Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang panukalan magtatag ng Emergency Response Department sa gitna ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Cayetano, layun ng panukala na magtatag ng isang centralized at mas aktibong ahensya na tututok sa disaster preparedness, emergency response, at rehabilitasyon.
Sinabi ni Cayetano na ang isang permanenteng departamento ay magpapabilis ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at magpapalakas sa kakayahan ng bansa na tumugon sa malalaking sakuna.
Iginiit pa ng senador na panahon ngayon na dapat magkaisa ang mga opisyal ng gobyerno at ng publiko, at hinikayat ang lahat na isantabi ang mga pagkakaiba sa pulitika upang ituon ang atensyon sa pagtulong sa mga apektadong komunidad matapos ang malakas na lindol na tumama sa Mindanao.
