![]()
Umakyat na sa 19 ang napaulat na mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Gayunman, sinabi ng OCD na patuloy pa nilang bina-validate ang bilang ng mga casualties.
Ilan sa mga ito ay mula sa Davao Occidental, General Santos City, at South Cotabato.
Samantala, umabot naman sa 134 ang bilang ng mga nasugatan sa malakas na pagyanig.
Alas-7:37 kaninang umaga nang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang inisyal na magnitude 7 na lindol na may lalim na 10 kilometers subalit itinaas ito sa magnitude 7.8 at sa lalim na 33 kilometers.