dzme1530.ph

SENATE MINORITY BLOC MEMBERS, HINIMOK NA SUNDIN NA ANG AKSYO NI SEN. CHIZ ESCUDERO NA SUMANIB NA SA MAYORYA

Loading

HINIMOK ni Senador Kiko Pangilinan ang iba pa nilang kasamahan na sundan na ang naging aksyon ni Senador Francis Chiz Escudero at sumama na sa kanilang alyansa sa ilalim ng liderato ni Senador Sherwin Gatchalian.
 
Sinabi ni Pangilinan na alam niyang marami sa mga kasamahan nila sa kabilang grupo ay aminadong kwalipikado si Gatchalian bilang Senate President.
 
Iginiit ng senador na dapat tigilan na nila ang hindi magandang sitwasyon sa Senado at magtrabaho na sila para sa taumbayan.
 
Matatandaang noong Miyerkules biglang sumulpot sa sesyon ng Senado si Escudero kaya’t nagkaroon ng quorum at naihalal si Gatchalian bilang acting Senate President.
 
Binigyang-diin ni Pangilinan na hindi deserve ng publiko an matagal na impasse sa Senado dahil may mga panukalang dapat nang aksyunan ng mga mambabatas.

About The Author