![]()
Naghain ng petisyon ang isang high school teacher sa Supreme Court (SC) para hilingin na ideklarang legally valid and binding ang session sa Senado noong June 3.
Sa naturang sesyon, binakante ang lahat ng posisyon at itinalaga si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.
Sa 20-page petition for certiorari, hiniling ni Barry Tayam sa SC na pag-aralan ang inakto ng mga respondent na sina Sens. Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, at Loren Legarda at tukuyin kung nagkaroon sila ng “grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction.”
Ipinunto ng petitioner na nahaharap ang bagong Senate leadership sa napakalaking institutional crisis dahil sa hayagang pagtanggi ng magkapatid na Cayetano at ni Legarda na kilalanin ang legitimacy at existence ng statutory quorum sa June 3 session.
Binigyang-diin ng guro na kailangan ang urgent intervention ng SC upang maibalik ang constitutional order at maiwasan ang napipintong pagka-paralisa ng co-equal branch ng pamahalaan.
