dzme1530.ph

MAJORITY BLOC, NO SHOW SA SESYON NG SENADO

Loading

No-show sa sesyon ng Senado kahapon ang buong majority bloc matapos ang pagsuko ni Senador Jinggoy Estrada dahil sa kasong plunder bunsod ng anomalya sa flood control projects.
 
Alas-singko ng hapon itinakda ang sesyon ng Senado nitong Lunes subalit umabot ng alas-7 ng gabi ay wala ni isa mang miyembro ng majority ang sumipot.
 
Bago ang sesyon ay umalis ng Senado si Senador Jinggoy Estrada para sumuko sa Camp Crame na sinamahan mismo ni Senate President Alan Peter Cayetano.
 
Kasama dapat sa agenda ng sesyon ang 3rd and final reading ng Filipino citizenship ng dalawang manlalaro para sa boxing at basketball team ng Pilipinas.
 
Bukod dito, hihilingin din sana ng minority bloc ang pagbuo na ng Commission on Appointments dahil nakabinbin ang promosyon ng tatlong heneral.
 
Batay naman sa logbook ng Senate Sgt. at Arms, pasado alas-4 ng hapon nang mag-out ang mga miyembro ng majority.

About The Author