dzme1530.ph

PANUKALA PARA GAWING LIBRE ANG PROFESSIONAL EXAMS AT BAR EXAMS, ISINUSULONG NGAYONG GRADUATION SEASON

Loading

KASABAY ng graduation season, isinusulong ni Senador Erwin Tulfo ang panukalang gawing libre ang professional examination fees ng mga kwalipikadong indigents.
 
Sa kanyang Senate Bill No. 2035 o “Free Professional Examinations Act,” gagawing exempted ang mga kwalipikadong indigents mula sa pagbabayad ng exam fees.
 
Sinabi ng senador na halos nagiging normal na para sa mga Pilipino na nakakapagtapos nga sa pag-aaral pero nauudlot na maging lisensyado kasi kulang sa pera.
 
Idinagdag pa ng Senador na napipigilan ng mga sandamakmak na professional exam fees hindi lang ang pag-unlad ng mga Pilipino, kundi ang pag-usbong ng bagong henerasyon ng mga propesyunal sa bansa.
 
Saklaw ng panukala ang Professional Regulations Commission (PRC) Board Exams, Civil Service Eligibility Exams, at Bar Exams.
 
Nakasaad sa panukala na ang Department of Social Welfare and Development ang tutukoy sa mga kwalipikadong benepisyaryo at siyang magbibigay ng sertipikasyon para maipresenta sa Professional Regulations Commission, Civil Service Commission, o Supreme Court.

About The Author