![]()
Malaki ang posibilidad na magkaroon ng oil price rollback sa susunod na linggo.
Ito ang inihayag ng Department of Energy batay sa apat na araw na trading sa Means of Platts Singapore.
Ayon kay DOE Oil Management Bureau Director Rino Abad, posibleng umabot sa walong piso kada litro ang rollback sa diesel habang apat na piso sa bawat litro ng gasolina at sampung piso sa kada litro ng kerosene.
Nilinaw ni Abad na hihintayin pa nila hanggang bukas ang isusumiteng ulat ng mga oil company at kanilang iko-consolidate para makita ang actual data.
Patuloy namang hinihimok ng DOE ang publiko na agad i-report sa ahensya ang mga gasoline stations na nagpapatupad ng unauthorized markup bago ang inaasahang rollback.
