![]()
Sa Fifth Division ng Sandiganbayan napunta ang bagong kasong katiwalian ni Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng kickbacks na nagkakahalaga ng 573 million pesos mula sa flood control projects.
Sa case raffle, napili ang Fifth Division para dinggin ang plunder at graft charges ni Estrada at kanyang co-accused.
Isinagawa ang raffle ilang oras matapos isampa ng Office of the Ombudsman ang mga kaso laban sa mga respondent sa anti-graft court.
Kabilang sa iba pang respondents si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, maging ang mga dating DPWH engineering officials mula sa National Capital Region.
Samantala, napunta naman sa Sandiganbayan 2nd Division ang isa pang count ng graft na inihain lamang laban kina Estrada at Bonoan.
Sa kasalukuyan, hinahawakan pa rin ng 5th Division ang 11 counts ng graft laban kay Estrada kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
