dzme1530.ph

SEN. JINGGOY ESTRADA, NA-OFFEND SA PAHAYAG NI SEN. ERWIN TULFO NA MAY MGA SENADOR PANG MAKUKULONG SA MGA SUSUNOD NA ARAW

Loading

TINAWAG na uncalled for at offensive ni Senador Jinggoy Estrada ang tanong ni Senador Erwin Tulfo kung bakit minamadali ang pagbabago sa patakaran ng Senado upang payagan ang online participation ng mga senador na hindi makakapunta sa Senado.
 
Tanong ni Tulfo na kung bukod kay Senador Ronald Bato dela Rosa, mimanadali ang pag-amyenda sa rules ay dahil may mga kasamahan pa silang posibleng makulong sa mga susunod na araw.
 
Inamin ni Estrada na na-offend sya sa pahayag ni Tulfo kasabay ng tanong kung may kontak ba ito sa korte at sigurado siyang makukulong na sila.
 
Una rito, ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na isasampa na ang kasong plunder laban kay Estrada sa Huwebes habang hinog na rin ang kahalintulad na kaso para kay Senador Joel Villanueva.
 
Kagabi ay makikita rin sa sesyon ang pag-comfort ni Senador Robin Padilla kay Estrada nang gigil itong tumayo sa gitna ng pagkuwestyon ni Tulfo.

About The Author