dzme1530.ph

SEN. RODANTE MARCOLETA AT DATING CONG. MIKE DEFENSOR, PINAGBAWALAN NG SANDIGANBAYAN NA LUMABAS NG BANSA

Loading

Naglabas ang Sandiganbayan 7th Division ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kina Sen. Rodante Marcoleta, dating Anak Kalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, at dalawa pang iba.
 
Kinatigan ng anti-graft court ang hiling ng Ombudsman na pagbawalang lumabas ng bansa sina Marcoleta, Defensor, at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray hangga’t naka-pending ang preliminary investigation sa plunder complaint laban sa kanila.
 
Ang request ay matapos irekomenda ng field investigators ng Ombudsman ang paghahain ng plunder at indirect bribery complaints laban sa apat, kaugnay sa ₱75 million campaign donations sa kampanya ni Marcoleta nang kumandidato ito noong 2025.
 
Batay sa rekomendasyon ng prosecutors ng Ombudsman, dapat maharap si Marcoleta at kanyang co-respondents sa criminal charges dahil ang pagtanggap ng mambabatas ng kabuuang ₱75 million na campaign donation, sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon, ay maituturing na regalo at nagko-constitute sa plunder.

About The Author