dzme1530.ph

WALKOUT NG SOLID BLOC O SB 11 SA SENADO, DINIPENSAHAN

Loading

Kinondena ng Solid Bloc 11 o SB 11 ang pagtatangka ng mayorya ng Senado na madaliin ang pag-amyenda sa Senate Rules sa kabila nang marami pang mga senador ang nagnanais na magtanong.
 
Nagtataka ang minorya kung bakit kailangang madaliin, pigilan ang mga gustong magsalita, at kailangang agad pagbotohan ang usapin kung marami pang senador ang nagtatanong tungkol sa proseso.
 
Tanong pa ng grupo kung minamadali ang rule change dahil gusto nilang makaboto si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng mga impormasyon na may mga majority senators na maaaring arestuhin.
 
Ipinaliwanag ng SB11 na nag-walkout sila kagabi dahil naniniwala silang hindi na maayos ang deliberasyon gayong ang ipinanukalang pagbabago ay makaaapekto sa pagdalo ng mga senador sa sesyon at pakikiisa nila sa mga aktibidad kaya’t dapat itong magkaroon ng maayos na debate sa halip na madaliin sa pamamagitan ng tyranny of the majority.
 
Ipinaalala ng grupo na ang healthy discussions ay nangangahulugan na pinapayagan ang lahat ng miyembro na marinig at hindi pinipilit ang sinuman na madaliin ang anumang pagtalakay.

About The Author