![]()
Pinabubusisi ni Senador Kiko Pangilinan sa Senado ang pagguho ng ginagawang gusali sa Angeles City sa Pampanga.
Sa kanyang Senate Resolution 406, nais ni Pangilinan na magsagawa ang Senado ng inquiry in aid of legislation sa insidente upang makabalangkas ng mga batas upang hindi na maulit ang insidente.
Sinabi ni Pangilinan na sinasalamin ng aksidente ang agarang pangangailangang palakasin ang pagpapatupad ng mga safety regulations sa pagtatayo ng mga gusali, pampubliko man o pribado.
Iginiit din ng senador ang pagsasagawa ng comprehensive review ng National Building Code at iba pang related regulations.
Dapat anyang palakasin ang occupational safety standards at tiyakin ensure accountability of responsible parties.
Target sa inquiry na matukoy kung may kapabayaan o kaya naman ay gumamit ng substandard materials, may unauthorized modifications, insufficient oversight, o deficiencies sa permitting, inspection, occupational safety enforcement, at disaster preparedness sa naturang insidente.
