![]()
Nagbihis-Pinay si Oh Ha Young ng South Korean girl group Apink habang namamasyal sa Quezon City.
Sa Instagram, ibinahagi ng K-pop idol ang kanyang mga litrato habang nakasuot ng kulay dilaw na daster.
Nag-ikot si Ha Young sa isang palengke sa Cubao, suot ang preskong pambahay na karaniwang ginagamit ng mga nanay at lola.
Ibinahagi rin niya ang ilang larawan mula sa latest concert ng Apink sa Pilipinas na ginanap sa UP Theater noong May 10, bilang bahagi ng kanilang ongoing Asia tour, sa pagdiriwang ng kanilang 15th year sa music industry.
Ang Apink na binubuo nina Ha Young, Yoon Bomi, Jung Eun Ji, Kim Nam Joo, at Hong Yoo Kyung ay nakilala sa hits na “Mr. Chu”, “Dumhdurum”, at “I’m So Sick.”
