![]()
Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na walang umiiral na batas na pumipigil sa pamahalaan na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC).
Kasunod ito ng unsealing ng arrest warrant na inilabas ng ICC laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Tinukoy ni DOJ Spokesperson Polo Martinez ang Republic Act 9851 o The Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.
Aniya, sa ilalim ng batas, maaaring isuko ang suspected o arrested individuals sa Pilipinas sa appropriate international court o tribunal.
Ginawa ni Martinez ang pahayag sa gitna ng pending petitions na kumukwestyon sa pag-aresto at paglipat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
Matapos arestuhin si Duterte noong March 2025, hiniling nito at ni dela Rosa sa Supreme Court na pagbawalan ang pamahalaan na makipagtulungan sa ICC at Interpol.
