dzme1530.ph

ZALDY CO, NANANATILI SA KANYANG 10-BEDROOM HOUSE SA FRANCE

Loading

Kasalukuyang nananatili si dating Cong. Zaldy Co sa isang 10-bedroom house sa Champs-Elysees Avenue sa Paris.
 
Ayon kay Interior and Local Secretary Jonvic Remulla, mayroong bahay si Co na malapit sa Christian Dior.
 
Tinaya ni Remulla ang halaga ng property sa 200 million dollars o euros.
 
Kumpiyansa naman ang kalihim na maaaresto ng mga awtoridad ang dating kongresista bago pa man magpasya ang France sa hiling nitong asylum.
 
Binigyang diin ni Remulla na Sept. 2025 pa nang mag-apply ang Philippine government ng Interpol red notice laban kay Co.
 
Inisyuhan ng Sandiganbayan ng arrest warrants ang dating mambabatas bunsod ng umano’y maanomalyang flood control projects.

About The Author